Psalms 118

1Magpasalamat kay Yahweh, dahil siya ay mabuti, ang kaniyang katapatan sa tipan ay magpakailanman. 2Hayaangm magsabi ang Israel, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay manananatili magpakailanman.

3Hayaang magsabi ang sambahayan ni Aaron, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman. 4Hayaang magsabi ang mga matapat na tagasunod ni Yahaweh, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay manananatili magpakailanman.”

5Sa aking pagdurusa ay tumawag ako kay Yahweh; sinagot ako ni Yahweh at pinalaya ako. 6Si Yahweh ay kasama ko; hindi ako matatakot; anong magagawa ng tao sa akin? 7Si Yahweh ay katulong ko sa aking panig: kaya nakikita ang tagumpay ko sa kanila na napopoot sa akin.

8Mas mabuting kumanlong kay Yahweh kaysa magtiwala sa tao. 9Mas mabuting magkubli kay Yahweh kaysa magtiwala sa mga tao.

10Nakapalibot sakin ang buong bansa; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko sila. 11Ako ay pinalilibutan nila; oo, ako ay pinalilibutan nila; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko sila. 12Ako ay pinalibutan nila na parang mga bubuyog; sila ay mabilis na naglaho na parang apoy sa gitna ng mga tinik; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko sila.

13Nilusob nila ako para patumbahin, pero tinulungan ako ni Yahweh. 14Kalakasan at kagalakan ko si Yahweh, at siya ang nagligtas sa akin.

15Ang sigaw ng kagalakan ng tagumpay ay narinig sa mga tolda ng matuwid; ang kanang kamay ni Yahweh ay nananakop. 16Ang kanang kamay ni Yahweh ay itinaas; ang kanang kamay ni Yahweh ay nananakop.

17Hindi ako mamamatay, pero mabubuhay at magpapahayag ako ng mga gawa ni Yahweh. 18Pinarusahan ako ng malupit ni Yahweh; pero hindi niya ako inilagay sa kamatayan.

19Buksan para sa akin ang mga tarangkahan ng katuwiran; papasok ako sa kanila at magpapasalamat kay Yahweh. 20Ito ang tarangkahan ni Yahweh; ang mga matuwid ay papasok dito. 21Ako ay magpapasalamat sa iyo dahil sinagot mo ako, at ikaw ang naging kaligtasan ko.

22Ang bato na tinanggihan ng mga nagtayo ay naging panulukang bato. 23Ito ay gawa ni Yahweh; kagila-gilalas ito sa harap ng ating mga mata.

24Ito ang araw na kumilos si Yahweh; tayo ay magalak at magsaya. 25Pakiusap, O Yahweh, bigyan mo kami ng tagumpay! Pakiusap, O Yahweh, bigyan mo kami ng tagumpay!

26Pagpapalain siyang dumarating sa pangalan ni Yahweh; pinagpapala ka namin mula sa tahanan ni Yahweh. 27Si Yahweh ay Diyos, at binigyan niya kami ng liwanag; itali ninyo ang handog ng mga panali sa mga sungay ng altar. 28Ikaw ang aking Diyos, at magpapasalamat ako sa iyo; ikaw ang aking Diyos, ikaw ang aking itataas.

O, magpasalamat kay Yahweh; dahil siya ay mabuti; ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.

29

Copyright information for TglULB